BASAHIN SA FILIPINO! Maaaring basahin ang pahinang ito sa FILIPINO. Gawin lamang i-click ang salitang "TRANSLATE" sa kanang bahagi sa itaas at piliin ang pagsalin mula Ingles sa Filipino.

January 2, 2018

Palindan, Ibaan, Batangas: Historical Data

Full transcription of the so-called “Historical Data” for the barrio of Palindan in the Municipality of Ibaan, Batangas, the original scanned documents at the National Library of the Philippines Digital Collections not having OCR or optical character recognition properties. This transcription has been edited for grammar, spelling and punctuation where possible. The original pagination is provided for citation purposes.

[p. 1]

HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE BARRIO PALINDAN

Part One: History

1. Present official name of the barrio – Palindan

2. Popular name of the barrio, present and past; derivation and meanings of these names. Names of sitios included within the territorial jurisdiction of the barrio.

There are two clashing theories on the origin of the name “Palindan.” One theory avers that in the childhood of mankind, there were no houses yet in the region named Palindan. The place was a great wilderness. The land was heavily forested with trees of all sorts. Such verdant vegetation consisted principally of palms, coconut, buri, betel nut, and pandan. The pandan specie seemed to outnumber all the rest. When families came to settle, they decided to give a name to their settlement. In a meeting of elderly men, it was finally decided that their place would be named “Pandanan” because everywhere they looked, they could see pandan palms. In the course of time, the word “Pandanan” became “Palindan.”

From another information who claims to be wiser comes this version. Long ago, there was as yet no road built in the barrio of Palindan. The place had no name, either. When people came to settle here, they saw the need of having a road. So, they built one. The kind of road they built was twisted and curving. People who saw the newly-built road called it “paling na daan,” meaning twisted or curved road. The curved road or “paling na daan” became a famous landmark to passers-by. As soon as they reached this road, they knew they were nearing the poblacion. Whether they liked it or not, the inhabitants of the region became known as “taga paling na daan.”

3. Date of establishment – 1832

4. Original families –

Marino family, Guerra family and Marasigan family.

5. List of tenientes from the earliest time to date.

Jose Mercado y Medrano
Juan R. Marino
Tomas Ramos
Elino Piñero
Juan G. Marino
Miguel M. Mercado

6. Important fact, incidents or events that took place:

During the Spanish occupation, the Katipunan organized secretly, a band of soldiers wherein one Alejandro Zaraspe of Palindan was a member. Although he did not live to see the independence of his country, he will be long remembered for his bravery and courage.

When the Americans came to the Philippines in the year 1898, a new set of government was organized, military in nature.

[p. 2]

Songs, games and amusements –

[Top two paragraphs of page torn.]

Paalam sa pagkadalaga - -

O kinlaningin ibo’y malapit na
Pag panaw sa kanyang tahanang hawla
At ang nagkandiling minumutyang ina
Ay uulilain sa titig ng mata

Kung mapalayo ka ay sino pa
Ang pagsasakdalan ng hirap at dalita
Kung di mamalagi sa linuha-luha
Ang abang ina mong lipos ng dalita

Magandang Pag-asa - -

Magandang pag-asa o bayang tahimik
Uamang ang tuwa ko’y pumanaw na pilit
Sa isang kataong sunumpang pag-ibig
Puso niya’y ibinigay na walang panganib

Pinakamahal siya na walang katulad
Ngunit ang palimot niya’y sa aki’y ibinayad
Limutin naman siya ay di ko rin hangad
Ngunit ang paglimot niya’y tunay kong pagliyag.

Paghandog - -

Ano kaya bagang sukat ihandog
Sa ating matandang ipagbigay loob
Sana ay mayroon ‘sang dosenang itlog.
Limang dumalagang matatabang manok.
Ako ay bibili, ako ay bibili
Nang yapyap na hipon
May siling pasiti, may siling pasiti
Makapa bagaong
Ako’y maglalaga, ako’y maglalaga
Nang kamuting kahoy
At kamuting baging
Sa pulot ng kawong.

Ako’y paroroon sa aking kaingin
Yaong aking asnoy, aking huhulihin
Doon ko isasakay ang mga gulayin
At mga panigang pati mga saging.
Bawang at sibuyas, bawang at sibuyas
At mga rikado
Kamatis at sili, kamatis at sili
Kalabasa’t upo
Mantikilya’t gatas, mantikilya’t gatas
At mayroon pang keso
May bunga’t may mamin
Apog at tabako.

[p. 3]

Bayang Masagana - -

[First paragraph not scanned properly.]

Masaklap na luha, nadaloy sa mata
Sanhi ang paglipas, ang iyong ligaya
Tibok sa puso ko ay sa iyong dusa
Tuwang agam-agam, ang iyong ligaya
Nguni o bayan ko, panahong malawig
Lakas ay susuko, pilit sa matuwid
Tapat na pag-asa, mabuhay sa dibdib
Unang maantayan, araw na sasapit.

Ayaw ko - -

Ayaw kong ayaw kong
Umibig sa iyo
Sapagka’t ikaw raw
Ay maraming nobyo
May pang araw-araw
May pang Linggo-linggo
Bukod pa ang pamiyesta’y
Bukod pa ang pamasko.

Kamantiging Pula, Kamantiging Puti - -

Kamantiging pula, kamantiging puti
Huwag kang iibig sa kaparis kong munti
Munti ang isipan, munti ang ugali
Kausapin mo pa’y pa oo pa hindi.
Mahal na binata, nagkakamali ka
Akala mo yata ay ako’y dalaga na
Iyan palay hindi pa at ako’y bata pa
Kausapin mo pa’y pa oo pa hindi.

Pilipinas - -

Pilipinas sa ganda’y labis
Binibining kapilas ng langit
Paraluman na sakdal dikit
Na kay Venus, ang ningning nawangis
Bawa’t kilos mo’y ligaya
Pawang pang-aliw sa dusa
Ang kagandahan mong sadya
Tulad sa bagong bukas rosas.

Masamyo mong bango
Kaligaligaya - - - - -
Kayumangging kulay tunay Pilipina
Malambing mong titig na may panghalina
Kung dito sa mundo ay ikaw ang ginhawa.

Nena - - -

Sa puso ko ay bumukal
Ang pag-ibig na tunay
Ligaya mong puso ko
Nasa iyo lamang
Sino pang tatawagin
Sa sakit at kahirapan
Ay, ay naku Nena
Ay, naku Nena ng aking buhay.

[p. 4]

Kahilingan - -

Yamang kami ay napagutusan
At hindi mangyari kami ay makasuay
Kayo na ang magpuno ng kulang
Sa kanta nakaya niyaring kabataan
Lingasin ang iyong loob na maganda
Na di tinitikis ang aming pagkanta
Kami ay di nag-aral na kaparis ng iba
Pagsunod nga lamang sa hiling at pita.

13. Puzzles and riddles - -

Batong kinay, batong kipot
Batong tinalopan nang hagoralipot.

Baboy ko sa pulo
Balahibo’y pako.

Bahay ng Senyora
Nabuksan ay di maisara.

Walang puno, walang ugat
Hitik na hitik ng bulaklak.

Dalwang tindahan sabay buksan.

Bahay ni Kiringkiring
Butas-butas ang dingding.

Alin sa mundo
Ang ilinalakad ay ulo.

Sinamba ko muna
Bago ko nililo.

Matayog, matayog
Ang bunga’y bilog.

Munti pa si Oto’y
Nakaaakyat na sa kahoy.

Dalawang mabibilog
Malayo ang abot.

Munti pa si Kumpadre
Nakaaakyat na sa torre.

Nagsaing si Katongtong
Bumulak ay walang gatong.

Nagsaing si Kapirit
Kinain pati anlit.

Baboy ko sa kaingin
Nataba’y walang pakain.

Pag bata’y nagtatapis
Kung tumanda’y inaalis.

[p. 5]

Isang bayabas
Pito ang butas.

May isang batang gagapang-gapang
Malinis ang dinanan.

Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.

Saging ko sa Maynila
Abot dito ang palapa.

Munting uling nabibitin
Pwera duhat nakakain.

Ha-pula, ha-puti
Eskwelang munti.

Hugis puso, kulay ginto
Mahirap kunin, masarap kanain.

Isda ko sa Mariveles
Punong-puno ng kaliskis.

Oo nga’t sili, nasa loob ang aligi.

Kalabaw ko sa Maynila,
Abot dito ang unga.

Dala mo, dala ka ng iyong dala.

Tubig sa digan-digan
Di matausan ng ulan.

Manok ko sa Maynila
Abot dito ang tuka.

Bahay ni Epi
Punong-puno ng garote.

Manok ko sa Balete
Nagpakita ng giri.

Ang ibabaw ay araruhan
Ang ilalim ay batohan.

Puno’y anos
Sanga’y kalbang
Bunga’y gatang
Lama’y lisay.

Dalawang bakurbaruan
Sari-sari ang nadaan.



Hingit ko ang baging
Nagkuol ang matchin.

Putukan nang putukan
Hindi nagkakarinigan.

Isang bias na kawayan
Punong-puno ng kamatayan.

Dalawang bungbong palusong.

Kristal na palayok
Tubig na malamig ang iginagatong.

Hindi naman piyesta
Hindi naman pasko
Napakarming bandera.

[p. 6]

Walang binhing itinanim
Taon-taon ay nakakain.

Naito na may sunong na baga.

Mata’y kong lingos-lingosin
Hindi ko manabot-abotin.

Itinapon ang itinanim
Ang pinagtamnan ay hinain.

Pag naaalala’y naiiwan.
Dala-dala naman pag nalilimutan.

Ako’y nagtanim ng hilolo [or bilolo]
Sa harap ng kumbento
Hindi pa natatapos ang sabi ko
Bulaklak na hanggang dulo.

Binaril ko ang kulyawan
Sa dulo ang kawayan
Kung tinamaan ay buhay
Kung sala naman ay patay.

Buhok ng pari
Hindi mawahi.

Buhok ni Adan
Hindi mabilang.

Isang biging palay
Sikip sa buong bahay.

Nginibitan-nginibitan ko muna
Bago ko kinain.

Kalabaw ko sa Maynila
Abot dito ang unga.

Nagbibigay na, sinasakal pa.

Paglagapak, turingan mo agad.

Dibina, dibina de grasya
Malayo ang bulaklak sa bunga

Nakakakita kung may piring
Di makakita kung alisin.

Hindi hayop hindi tao
Kuhang-kuha ang kilos mo.

Dalawang katawan
Tagusan ang mga tadyang.

May ulo’y walang mukha
May katawa’y walang sikmura
Namamahay nang sadya.

May katawan ay walang bituka
May puwit ay walang paa
Kinakagat at tuwi na.

Kung hindi ang taga-bundok
Ang taglati ay nahulog.

Dinadal ko siya
Dinadala ako niya.

[p. 7]

Katuturan ng mga bugtong - -
itlog kakaw
langka papaya
itlog ngipin
bituin habihan
mata kamatsili
bakir baril
suso ilong
sambalilo ilawang gas
santol dahon ng saging
guyam kabuti
mata manok
langgam amorseko
sabon o gugu kandila
bayabas palito ng posporo
kalabasa ulan
mais ulan
mukha lingas ng ilawan
palansa mais
kasoy kalogkog
karsada bota
bignay palakpak
itlog mais
mangga ang nagsasalamin sa mata
sili anino
hipon hagdan
kalogkog palito ng posporo
bakya o tsinelas baso
tubig na niyog yantok at pawid
balangaw bakya
posporo manok
niyog
14. Proverbs and sayings - -

Ang buwan ay di laging bilog
Ang araw ay nalubog.

Ang taong masalita at kulang sa gawa
Ay tulad sa hardin sa damo’y sagana.

Bago ka pumahid ng sa ibang uling
Ang uling mo muna ang unang pahirin.

Walang Sabadong di uminit
Walang dalagang di umibig.

Ang lumura ng patingala
Sa mukha ang tama.

Ang batang makirot
Makakayapak ng ipot.

Kung anong puno
Ay siyang bunga.

Walang matimtimang birhen
Sa matiyagang manalangin.

Ang pawis sa paggawa
Sa tao’y pataba

Kung anong idinipa siyang ibabara.

[p. 8]

Kung anong utang ay siyang kabayaran

Ang lumakad nang marahan
Matinik ma’y mababaw;
Ang lumakad ng matulin
Matinik ma’y malalim.

Ang tubig na matining
Tusukin mo’t malalim

Kapag may pinipita
Sa iyo at inoola
Totoong minamahal ka
Datapuwa’t kung nangyari na
Dili ka na maalaala.

Ang tao hangga’t mayaman
Marami ang kaibigan
Kung mahirap na ang buhay
Kahait masumpong sa daan
Di na batii’t tingnan.

Ang taong naniniwala sa sabi-sabi,
Walang bait sa sarili.

Kilala mo na sa labon
Ang magiging bungbung.

Kapalaran mo man ay di hanapin
Dudulot lalapit kung talagang akin
Kung di siya lumapit
Pilit ko siyang hahanapin.

Magpakataastaas nang lipad ng taingbaboy
Sa lupa rin nagkukoykoy.

Ang halaman palipatlipat
Ay hindi mag-uugat.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Ay hindi makararating sa paroroonan.

Makikilala mo ang taong may bait
Sa kilos ng kamay at sabi ng bibig.

Kaya hanggang buhay ka pa
Ikaw ay magsamantal
Magtipon at maghanda ka
Ng mga gawang maganda
Na may datnin kang ginhawa.

Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad.

Walang yayaman dito sa lupa
Na di muna nag-adhika.

Magpakapula-pula ng saga
Maitim din ang kabila.

Nasa Diyos ang awa
Nasa tao ang gawa.

[p. 9]

Nakikita ang butas ng karayom
Subali’t di nakikita ang butas ng palakol.

Ang hipong tulog nadadala ng agos.

Walang mailap na pugo
Sa matiyagang magsilo.

Huwag kang dumais sa patayan
Kung hindi mo ibig maduguan.

Tulak ng bibig
Kabig ng dibdib.

Makipito kong isipin
Bago ka may gagawin.

Hindi matadtad ang ulam
Ng walang sangkalan.

Saan pa kakapit ang kuto
Kundi sa balat ng ulo.

Pag may sinuksok
May madudukot.

Ang bayaning masugatan
Nag-iibayo ang tapang.

Ang bahay mo man ay kubo
At patira ay tao
Daig pa ang palasyo
Na ang natira ay kuwago.

Ang hindi magmahal sa sariling wika
Ay higit pa sa hayop at malansang isda.

Aanhin pa ang damo
Kung patay na ang kabayo.

Ang ugali sa pagkabata
Ay dala hanggang tumanda.

Ang hanap sa bula-bula
Sa bula-bula rin mawawala.

Ang pagkit sa Birhen galing
Sa Birhen din ihahayin.

Ang gawang kabaitan
Ay lalong higit
Sa ginto at pilak.

Maari kang mabuhay sa pagsisinungaling
Nguni’t mamatay ka kung ikaw ay nahuli.

Ang ayaw mong gawin sa iyo
Huwag mong gagawin sa kapwa mo.

Humarap ka na sa lasing
Huwag lamang sa bagong gising.

Kung anong puno
Ay siyang bunga.

Magpakahabahaba ng prosesiyon
Sa simbahan din ang urong.

Ang sabi man ay arawin
At ang bigas ay pagputlin-putlin

[This document appears incomplete.]

↓ Scroll down to leave a comment.

Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Life of the Barrio Palindan” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.

🙏 Kindly consider sharing this article on your social media accounts to keep this site free for students and lovers of Batangas History.

If you wish to make a donation to Batangas History, click on the Donate button below:

Leave a comment: