Bangin, San Nicolas, Batangas: Historical Data - Batangas History, Culture and Folklore Bangin, San Nicolas, Batangas: Historical Data - Batangas History, Culture and Folklore

Bangin, San Nicolas, Batangas: Historical Data

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

Full transcription of the so-called “Historical Data” for the barrio of Bangin in the Municipality of San Nicolas, Batangas, the original scanned documents at the National Library of the Philippines Digital Collections not having OCR or optical character recognition properties. This transcription has been edited for grammar, spelling and punctuation where possible. The original pagination is provided for citation purposes.

[Note to the reader.] /p>

At the time when this document was created, the barrio of Bangin was still a part of Taal rather than San Nicolas. The latter did not become a separate municipality until the year 1955, after the passage of Republic Act No. 1229.

[p. 1]

HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE
BARRIO OF BANGIN

The present official name of the barrio is Bangin. Its past and present popular name is also Bangin. As to the derivation and meaning of its name, it is still unknown. During the pre-Spanish time, Apakay was once a part of Bangin, but as the population increased, it was separated from the other and became independent in itself.

The date of the establishment of the barrio is also unknown. According to information, Domingo Enriquez was one of the original families of the barrio.

[A] List of tenientes from the earliest time to date arranged in chronological order is shown below. The date of the incumbency of each teniente is also unknown.

1. Eulalio Maristela – Spanish time
2. Modesto Maristela
3. Alejandro Aspre
4. Elias Banaag
5. Julian Gardiola
6. Ireneo Tolentino
7. Martin Gardiola – Japanese time
8. Isidro Medina
9. Santiago de Roxas – at present

During the Spanish regime, camps were to be found all around the barrio of Bangin. Although it was made a camping place by the Spaniards, still it remained unharmed. It was not made a fighting place so no destruction took place.

During the Japanese occupation, the barrio was unknown to the Japanese soldiers. During their four years of occupation in the Philippines, not a single Japanese soldier reached the place so there was no destruction made during the time of their retreat.

After World War II, the barrio remained as it was. With the arrival of the Americans in the Philippines, the barrio was made civilized. Houses were built, roads were widened for the jeeps to pass, the methods of farming were improved. In short, prosperity could be seen in all parts of the barrio.

[p. 2]

ANG ALAMAT NG BALITE

Noong unang panahon ay mayroong isang mayamang mag-anak na may malawak na lupain. Sila ay sa bayan ng Taal naninirahan. Ang bayang ito ay nasasakyan ng maraming bukid, na malayo-layo rin naman sa bayan. Sa mga bukid-bukid ay marami rin namang naninirahan at silang lahat ay nasisiyahan sa kanilang ikinabubuhay sa pagbubungkal ng lupa. Sa isa sa mga bukid na ito ang mag-asawang sina Severina at Martin ay nagpapagawa ng dalawang trapitseng iluhan. Sa pinagtayuan ng mga trapitse ay may tumubong mga malalaking punongkahoy. Ang [mga] punong ito ay walang makakilala sapagka’t noon lamang nakita ng mga nagtatrabaho sa bukid na iyon. Nang may ilang araw ay may naghikap na matandang lalaki. Nakita ng matanda ang mga puno sa may trapitse, kaya’t nilapitan iyon ng matanda. Nakilala ng matanda ang punong iyon at tinawag niyang “balite.” Dumating sa pandinig ng mga taong naninirahan sa bukid na iyon ang ngalan ng punong iyon. Hindi naglaon at pinangalan ng mga tao ang bukid na yaon at ngayon ay siyang tinatawag nating nayon ng Balite. Simula noon ay maraming tao na galing sa ibang nayon ang nagsilipat ng tirahan at sila’y nagpisan-pisan sa nayon ng Balite.

Ang nayong ito ay itinatag noon ika-1720 na pinangunahan ng mag-anak nina Victoria Mendoza, Baro Mendoza, Felix Canlobo Barairo, at Manuel Barairo. Sila ay naglagay ng mga teniente del barrio na siyang nangangasiwa sa katahimikan ng nayon, at ito’y pinangunahan ni Victorio Mendoza, at sinundan naman nina Clemente Mendoza, Jose Morta, Angel Mendoza, Juan Mendoza, Rufino Mendoza, Rufino Barairo, Helacio Barairo, Alejandro Balba at sa kasalakuyan ay pinangangasiwaan naman ni Jose Barairo.

Ayon sa nakatatanda sa nayong ito, nang panahon ng Kastila, ang mga lalaki ay hinuhuli at ginagawang sundalo. Kung hindi man sila makasama, sila ay magbibigay ng ₱50.00 upang ibili ng sandata ng mga Kastila, at kung hindi naman makabigay, sila ay ginagawang alipin. Noon namang panahon ng Amerikano, ang mga bata ay ayaw magsipasok sa paaralan. Sila ay hinuhuling isa-isa upang pumasok. Ayaw nilang matutuhan ang wikang Ingles at ang nagustuhan nila’y ang wikang Tagalog. Sa katagalan, sila’y napilit ding magsipag-aral, kaya’t ang mga Amerikano ay nagpatayo ng mga paaralan at nagpadala ng mga guro upang matutuhan ang wikang Ingles.

Ang panahon ng Hapones ay siyang pinakamalungkot na sandal sa mga taong naninirahan sa nayong ito. Sinilab ang kanilang mga tahanan at nilagot pa ang buhay ng kanilang mga minamahal. Sila’y nagsilayo at nagpuntahan sa nayong inaabala [likely “inaakala”] nilang makapagliligtas sa kanilang buhay. Hindi naglaon at sa pagtitiis ng mga tao’y dumating din ang saklolo. Dumating ang mga Amerikano na siyang nagligtas sa gutom at kamatayan. Sila ay nagsi-uwi sa kanilang sariling nayon at nagpatayo silang muli ng mga tahanan at ngayon sila’y namumuhay ng masagana at tahimik.

[p. 3]

KUNG PAANO ANG BANGKURO AY NAGKAPANGALAN

Ang bayan ng Taal ay biniyayaan ng kalikasan ng ilang magagandang tanawin. Isa na rito’y ang magandang lawa ng Taal, na noong una’y tinatawag na lawa ng Bonbon. Di lamang sa kagandahan ng lawa nabibighani ang mga mamamayan, kundi pati sa iba’t ibang uri ng masasarap na isdang nahuhuli rito.

Bago dumating dito sa Pilipinas ang mga Kastila ay may isa ng pook nakilala ngayon sa pangalang “Bangkuro.” Ang pook na ito’y may isang kilometro ang layo sa nasabing Lawa. Di lamang lahat ng lupain sa pook na ito ay pag-aari ng mga taga rito. Ang nuno lamang ni G. Pablo Montenegro ang nagkaroon ng kaunting bahagi ng lupa rito. Ang pinagkakakitaan ng ikinabubuhay ng mga taga pook na ito’y ang pagsasaka at pangingisda lamang.

Sa nayong ito, na di layuan sa lawa, ay may isang anaki yungib. Di totoo kung malaki; nguni’t napakaginhawa dahil sa nalililiman ng mga punong kahoy. Sa yungib na ito ay may isang mahaba at makinis na “Batong-Bangko” nalikha Ng kalikasan.

Dahil nga sa ang lugal na ito ay napaka-ginhawa at may batong-bangko pa ngang nauupuan, kaya’t ito’y naging pahingahan na [ng] mga mangingisda at mga manlalakbay sa pook na iyon.

Ilang araw ang mga mangingisda ay dito sa lugar na ito nagpalipas ng kanilang pagod. Nagkabiruan sila nang gayon na lamang, kaya’t napalakas ang kanilang halakhakan, na halos dinig kahit sa malayong dako.

Ayon sa kasaysayan ng unang panahon, nang tayo nga ay nasa pamamahala pa ng mga Kastila, ay may mga kawal-Kastila na pulus baguhan ang landas na pinanggagalingan ng tatawanan, hanggang sa sumapit sila sa kinadurunan ng mga nagkakatuwaang mga mangingisda.

Nang dumating ang mga kawal-Kastila ay tumindig ang lahat ng mangingisda at nagbigay-galang, at inanyayahan pa sila ng maupo sa magandang batong-bangko. Umupong lahat ang mga kawal Kastila at gayon na lamang ang tuwa nila sa ganda’t kinis ng batong-bangkong iyon.

Isa sa mga kawal ay nagtindig at nagtanong kung anong pangalan ng pook na iyon. Dahil sa ang isang kamay ng kawal na nagtatanong ay nakaturo pa sa batong-bangko, na ang akala ng mga mangingisda ay ang itinatanong ay kung ano ang pangalan ng kanyang itinuturo, kaya’t tinugon nila sa nagtatanong na kawal na “Bangko Ito.”

Paulit-ulit na sinambit ito ng naturang Kastila upang di malimutan ngun’t, dahil sa kanyang pagiging garil sa pagbigkas ng ating wika ay sa halip na “Bangkong Ito” ay “Bangkuro” ang sinabi niyang pangalan ng pook na ito sa kanyang pinuno. Kaya’t sapul na nga nuon ay tinagurian na ngang Bangkuro ang pook na ito.

[p. 4]

Nang panahon ng Amerikano ay sinunog itong pook na ito dahilan sa pinararatangan ang [mga] mamamayan na nagpapakain sa mga insurrectos. Di laang isang libong kabang bigas at palay ang nasunog.

Noon namang nagdaang gulo ay walong katao sa dalawang familia ang napatay ng mga mababangis na Hapones. Noon ay may pitong-pu’t limang bahay ang nasunog.

Sa nayong ito ay iilan ang natirang bahay maliban lamang sa walong bahay. Sa ngayon lamang nasagulian ang nayong ito.

fpv/

[p. 4]

HISTORY OF CALUMALA

Hundreds and thousands [of] years ago, there was an isolated place in the province of Batangas, where huge and numerous trees stood within this isolated area. Vines and shrubs with thorny leaves grew along this rugged spot and it was quite hard for the sun beams to pass through the towering palms and trees. The inner portion of the forest was so dark that no man attempted to see and enter the delinquent forest.

At midnight, the howling of the midnight birds and some of the wild beasts could be heard for a distance. This made the people feel afraid not only of the existence of the wild beasts, but the said place was said to be the hideout of the highway men during those days of peril. If someone was passing this lovely spot, he tried to hasten his footsteps so as to leave the fearful spot in the province.

During those days, one of the church dignitaries was missing in his long perilous journey. So, day after day, the soldiers began to search for the missing man in every corner of the community until finally, they reached the most isolated area in the province which the people feared.

It was the princely duty of the soldiers to seek for the missing church dignitaries, so they entered the thick forest fearlessly with their great hope to see the missing men. The soldiers looked and saw the very corner of the forest, trying to pass the wild animals’ trails, and finally, they reached the marvelous spot. That lovely spot was unexplored by men. Within that place, they saw a glaring object, so nice that their attention was focused on the shining object. The soldiers drew their swords as they came nearer and nearer to the golden casket. “A casket!” cried one of the soldiers. The coach driver, who was a Filipino, drew nearer to the casket and, to his great surprise in seeing the object, he shouted in his native tongue, “Kalumo na! Nguni’t maganda pa!” A Tagalog term for “How old it is! But still it’s nice!”

The casket was taken in to the Casa Real, and so there went a great crowd of people pushing one another just to see the golden casket found in the delinquent forest. The casket was fully laden with gold, but its appearance was dusty and aged though it was still nice. The natives whispered to their great surprise, uttering the same Tagalog expression, “Kay luma na,” how old it is. The church dignitaries and the high government officials assembled in the Casa Real to see the marvelous and historical casket. The casket would be sent to the Majesty, the King of Spain, but before this golden casket could be taken away from the place, there was a certain document to be given to the Alcalde-Mayor. The Governor General was asking the natives about the name of that isolated place, but the natives could not understand what this Spanish Governor General was saying, so in turn, the natives said, “Kaluma na.”

This hard-hearing Governor General thought that the name of the place was “Kaluma” and that was what he indicated in the papers. By the incident, the place was called Kalumala by the Spaniards, and from that time on, the natives also called it “Kalumala,” not knowing that the

[p. 5]

name was taken from the terms Kayluma na.

At present, the place named Kalumala is no longer a thick forest by the lake. It’s no longer a perilous hideout of the highwaymen but is a nice and prosperous village under the municipality of Taal. Hundreds of homes were being erected in the said place. These are the homes where love and affection exist and [the] future cradle of the future heroes in the coming generation.

Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Life of the Barrio of Bangin,” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post