Balayong, Bauan, Batangas: Historical Data Part II - Batangas History, Culture and Folklore Balayong, Bauan, Batangas: Historical Data Part II - Batangas History, Culture and Folklore

Balayong, Bauan, Batangas: Historical Data Part II

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART II

PART I | PART II

[p. 8]

12. Popular Songs

Old Songs (Kundiman)
Ang Kahoy

Mayabong na kahoy sa gubat at parang
Puspos ng bulaklak ang mga halaman;
Sagana sa simoy ng hanging amihan
Ang tinubuan ko’y bayan ng Bawang.
Ang Bawang na ito’y bagama’t sagana
Sa dikit na handog at mayamang lupa,
Lupang kababayang may budhing masama

Masaklap na Hinog

Alin mang halaman na itinanim,
Sa huerte ng nasa’y maligayang hardin;
Ang nasa ay dipa sukat panamnamin
Liban sa panahon marapat na kitlin.

Coro

At kung di pa hinog at buko sa tangkay,
Masaklap ang lasa sa tamis ay kulang
Di naman maasim ay masaklap naman.

Sa produkto mo po’y huwag pahinugin,
Mura pay huwag mong pagpilitang kitlin;
Kung ang pagpitas mo’y sa mura nanggaling
Pahinugin mo ma’y siempre maasim rin.

Panawagan

Nanang ko'y dungawan
Sulyapan ng mata
Akong tumataghoy
Anak sa pagsinta;
Sa aking pagdaying
Ay kung maawa ka
Maituturing ko rin
Langit ko na baga,
Juwag mong habagin
Ang aba kong puso
Lalong magsisilbi
Sa iyo'y susuyo;
Kahit man ang aking
Hininga'y mapugto
Pipilitin ko rin
Sinta mo'y umamo.

Lagas na Bulaklak

1. Ako’y ang bulaklak ng ama’t ina ko
Pinakamasetas sampung kapatid ko;
Kung pipitasin mo kaya ay pano?
Malalanta yata kung pagiisipan ko.
2. At baka maparis at doo’y matulad
Sa ibang pumitas ng mga bulaklak;
Na mapagsawa ang bango ay kumupas
Ay pinabaya-baya at kumalatkalat.

[p. 9]

Pagpapasakit

Di mo ba namamasdan, dini sa dibdib ang punyal
At sa dugo’y tumutulong ang puso kong sinugatan
Yaring bumubugsong hirap, awa mo’y muling isaksak
Dini sa dibdib ang sibat.

Ang paghihingalo ko’y huag mong alalahanin
Ang kamatayan ko’y sa iyo nanggaling;
Pakaaasa-asahan mong ikaw at ikaw rin
Magpakailanman ikaw rin ang giliw.

Gandang Mapamihag

Bakit ka nag-ayos ng mukha mong maningning?
Bakit napakilala ka sa aba kong palad?
Bakit may mata kang dapat isulyap?
Mundo’y sinungaling kungdi ka mabihag!

Ang bagay sa iyo’y sa bundok at parang…
Doon ka manahimik, doon ka manahan.
At kung mamalagi sa loob ng bayan
Marami kang dwenyang pusong susugatan.

Amusements:

1. Bangihan ng mais
2. Lupakan
3. Sabalan
4. Kurido at Original
5. Pandangguhan
6. Sungkahan
7. Damahan
8. Lipunan
9. Huego de Prenda

13. Puzzles and Riddles:

1. Water as clear as crystal
Held by the hands - - - - - - - - - - - ice
Tubig na sakdal linaw,
Hinahawakan ng kamay.
2. Water that is blessed
Only the child can take . . . . . . . breast milk
Tubig na pinagpala
Walang makakakuha kundi bata.
3. When standing he is short
When sitting he is tall - - - - - - dog
Mahaba kung nakaupo
Maiksi kung nakatayo.
4. When hot it is growing
When cool it is withering - - - - - acacia
Kung tag-init ay sumasanga,
[last line not scanned]

[p. 10]

5. Black as a hawk
White as a cloud - - - - - - - - - - letter
Maitim na parang uwak
Maputing parang busilak.
6. Not a fish
Neither the goose,
But could say quack
In land and water
Their noise could be heard.

13. Puzzles – Patukuyan

1. Wika ng lawin sa bato-bato, “mayroon bang isang daan kayo?”

Ang sagot ng bato-bato ay ganito “Isang gamin, at kalahati pa naming at ikaw pa mandin lawin ang pasandaan naming.”

Ilang bato-bato ang binat ng lawin?
Sagot – Animnapu’t anim na bato-bato.
2. Sa isang estasyon ng tren sumakay ang limang tao.

Sa sunod na estasyon ay tatlong tao ang sumakay.
Ng makaraan ang tatlong estasyon ay bumaba ang lima
at may sumakay na dalawa. Sa sunod uling estasyon
ay bumabang lahat. Ilang estasyon ang dinaanan?

Sagot – Pitong estasyon.
3. Ako’y namaril ng ibong nakadapo sa siit.

Ito’y sampung maya. Pinaputukan ang ibon.
Ang napatay ay tatlo. Ilan ang natira sa siit
na pinagdapuan?

Sagot – Walang natira.
4. Ang mahal na hari at soldado ay naglalayag sa dagat.

Sa lakas ng hangin ay napadpad sa tabi ang sasakyan.
Nakita ng hari ang isang malaki at magandang ibon.
Tinawag at tinanong ang mg soldado ng ganito, “Kung
sino sa inyo ang nakakapagdala ng ibon sa aking
harapan ng di sinasaktan ay magiging esposo ng mahal
na prisesa.
At paanong paraan at ito’y makakuha sa kahoy na
dinapuan?

Sagot – Sa pamamagitan ng salamin.

[p. 11]

5. Limampung tulisan pumasok sa tubohan ng

sila’y lumabas ay ang unang tulisan ay
ang dala ay isa, ang ikalawa ang dala ay
dalawa, ang ikatlo ay ang dala ay tatlo
hanggang sa ika limampung tulisan ang
dala ay limampu.

Tanong: Ilang tubo ang dala ng mga tulisan?

Sagot: 1,275

6. Ang prinsesa ay maraming nagala at nakakaibig;
Ang naisip ng prinsesa ay siyang magtaya upang

mawala ang hinanakit ng bawa’t isa. Ito’y mga
anak hari rin. Ang kasunduan ay ito ang makaka-
sagot sa aking taya ay siyang may kapalaran at siya
kung pakakasalan.
Saan man ibaling ang bilang ang lalabas ay siyam.

Sagot:

9
0
0
0
0
9 – 0 0 0 0 1 0 0 0 0 – 9
0
0
0
0
9

Prepared by:
(MISS) ANTONIA BATAC

Proverbs and Sayings

1. Walang matimtimang Birhen sa matiyagang manalangin.
There is no hard-hearted Virgin
To those who do pray ceaselessly.
2. Ang dila ay hindi patalim,
Ngunit kung sumugat ay malalim.
A tongue is not a blade, but it cuts deep.
3. Walang sumisira sa bakal,
Kundi ang sariling kalawang.
Iron is destroyed by its own rust.
4. Ang sapa kung malagaw-gaw, asahan mo at mababaw.
The shallow water makes much noise.
5. Daig ng agap ang liksi at sipag.
The early bird catches the worm.

[p. 12]

6. Hindi lalapit ang bato sa suso.
The stone never approaches the snail.
7. Ang mga ibong may iisang kulay,
Ay siyang magkakasama sa kawan.
Birds of the same feathers flock together.
8. Huag bibilangin ang sisiw hanggang hindi napipisa.
Do not count the chicks before they are hatched.
9. Gawaing lahat sa kahinahunan;
Kung sa dahas dadaanin,
Ay walang mararating.
Take things by the smooth handle.
Prepared by:
(MRS.) AMELIA ENCARNACION

THE STORY OF JUAN AND MARIA

Once, there were two children who lived with their parents and other brothers and sisters. They were known by the names of Juan and Maria. They were the ones who cooked their food. Every time they ate, these two were sent down and after their parents had eaten, they were called to eat the left crumbs only for their food for their parents did not want them to eat.

Not long after Maria and Juan went away from their home. They walked and walked without knowing where to go. As they walked, they found a squash seed on the way. They picked it up and continued to walk. They found at this time a basket and picked it up again. Again, a grain of rice and they picked it up again. Again, they walked and for the third time, they saw a grain of rice and they picked it up as usual. For a time, they stopped and put the squash seeds and the grains of rice inside the basket. Then, they started to walk again until they became tired and stopped at the forest near the brook.

After a short time, they cleared this part and cultivated the soil and planted the squash seed and the grain of rice. Every day, their plants grew faster and faster. One day, they visited the squash plant and found that there was a big squash on it. They got this and opened it but to their great surprise, they saw a ring glistening inside. At once, they wished things for their needs and the ring gave these things to them. They used the grain of rice they grew as their food. Once, they needed a house and wished for it so they asked the ring to give them one and there stood a beautiful glistening big house.

[p. 13]

They threshed the palay and the things left after threshing were thrown into the river. It was carried by the streams and it stopped near the house of their parents. They ordered that their sons should look where they came from. The sons obeyed their parents and they discovered that they came from the house that glistened. They at once went to this beautiful house and were welcomed by their brother and sister, Juan and Maria. They sat on the chair that glistened also and Maria prepared their meal and their viands were the best kinds of food. When the two were about to leave, Juan and Maria gave them much palay and asked the two to tell their mother to visit them.

So, their mother went there as requested but the earth opened and she fell.

By:
(MISS) FLORENCIA YLAGAN

PART I | PART II

Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Life of Balayong” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post