Rosario, Batangas
Septiembre 20, 1943
Septiembre 20, 1943
Mr Espina:-
Naiintindihan mo ba itong Bagong Filipinas, ang mga Filipino ay na hahandang [sic] ñg Independencia. Itong araw na ito ay siyang araw na pinili ñg mga tao upang maghalal ng karapat-dapat na tao na siyang umugkit sa pamahalaang ng nalalapit nating kalayaan. Ñgayon ay ang guinagawa ninyo ay hinde naman ikabubuti ng Filipinas at ang kababayan ninyo ay hinde naman gusto ang guinagawa ninyo.
Espina, nalalaman mo ba na maraming taong pinahihirapan dahil sa guinagawa mong ito, naiintindihan mo ba na ang Bagong Gobiernong Filipinas at ang mga Filipino ante guerrilla ay kayo ay firme sa bundok kayat ang palagay ko ay hinde ninyo naiiintindihan ang mga layuning ito.
Espina, alam mo ba naparito ang Military Japanese para tumulong lamang sa pagkakaroon ñg Independencia ñg Filipinas? Ang Filipinas matapos magkaroon ñg Independencia ay hinde na sasakupin ng Gobierno Japones at ito'y sarili na ng mga Filipinos. Dapat mo maalaman na sino mang sumuko (Surrender) ay hinde aanohin at ang hanap buhay ay malaya para sa kanila.
Espina, ikaw ay maaaring abutin ñg kamatayan, kayat ang gusto ko ay ikaw ay sumurender ñgayon oras na ito at nañgañgako kami na ipagsasangalang ang buhay mo. Kung sumurender ka ay alin mang hanap buhay na gusto ay ibibigay sa iyo. At kung dumating ang sulat na ito sa iyo ay ako'y narito sa Garrison sa Rosario kayat dito ka na sumuko sa Rosario. Si Col. Waet Marcon ay itong buang ito Sept. 18, 1943, ay sumuko na, kayat ikaw ay ang gusto ko ay sumurender na dito sa Garrison sa Rosario at mabuhay ka nang matiwasay dito.
COM. CAPT. YUSIDA
Rosario Headquarters
Rosario Headquarters
↓ Scroll down to leave a comment.
Notes and references:
1 “GHQ, Batangas Force, FAIT,” File No. 110-3, downloaded from PVAO.
🙏 Kindly consider sharing this article on your social media accounts to keep this site free for students and lovers of Batangas History.
If you wish to make a donation to Batangas History, click on the Donate button below:
Leave a comment: